Wednesday, September 30, 2009

Mga Gawain

Lahat ng mga gawain dapat makompleto bago ang Oktumbre 5, 2009 pagkapatos ng Oktubre 5 hindi ko na tatanggapin. Lahat email o hard copy hindi pwede ang handwriting. Huling ayu na ito o huling pagkakataon na lamang na ibibibgay ko sa wala na kompleto ang mga kasanayan o activity. Ang utang na 15.00 (for Buwan ng Wika Contribution) ay dapat din bayaran sa araw ng klase.
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang reaksyon ninyo sa E-Learning na pag-aaral?


2. Sang-ayon ba kayo sa E-learning na pag-aaral? kung OO o hindi suport your ans.

3. Anu-ano ang mga naging prolema ninyo sa E-Learning na pagtuturo?

4. Anu-ano ang inyong ma imungkahi para sa lalong ikakatagumpay ng e-learning?
Itala ang mga SAGOT.

Huling Miting

Final Exam sa Oct. 8, 1-230 para sa tth 1-239 at tth 10:30-12:00 Oct. 8 10:30-12:00

Coverage ng exam mula yunit 1- hanggang sa Pagsasalita.
Kung may nais itanong email lang sa aking email ad o kaya text lang ako sa 09187070035 o kaya pwedi rin maki-chat sa gabi lamang mula 9pm-12pm

Huling Miting.

Miting

Huling Miting.

Miting

Monday, September 28, 2009

Huling Gawain

1. Panaliksik tungkol sa Feminismo at pagkatapos iugnay ang kaisipang feminismo sa tulang BABAE KA. Gawin ito sa pamamagitan ng patalata o isang talata.
2. Basahin ang sanaysay na ANG HALALAN sa pahina 57. Pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa ibaba (page 58).

3. Basahin ang huling aralin, P A G S A S A l i t a . Ipaliwanag ang kahalagahan ng PAGSASALITA.

4. Bakit ang pagsasalita ay sukatan ng katalinuhan?

5. Ipaliwanag ang mga Kasangkapan sa Mabisang Pagsasalita.

6.Ipaliwanag ang Mabuting Pagtatalumpati.

7. Ano ang talumpati?

8. Anu-ano ang uri ng Patalumpati?

Ang Final Exam points for review ay mula sa Yunit 1 hanggang sa Pagltatalumpati.
Kung mayroong hindi nauunawaan sa lahat ng mga aralin, e e-mail ang mga katanungan.

Huling Gawain

Wednesday, September 23, 2009

P A G B A S A

BASAHIN ANG TULANG BABAE KA


Babae ka, hinahangad,sinasamba,
Ipinagtatangol, ikaw nama'y walang laya.
Ang daigdig mo'y lagi nang nasa tahanan;
Ganda lang ang pakinabang,
Sa buhay walang alam.

Ang pinto ng pag-unlad,
Sayo'y laging nakasara;
Harapin mo, buksan mo,
Ibangon ang iyong pagkatao.

Babae ka, kalahati ka ng buhay;
Kung ikaw kaya'y wala.

Saan ang buhay ipupunla?
Napatunayan mo kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapalaran at ganap na kalayaan?

Ang pinto ng pag-unlad
Sayo ngayo'y nakabungad
Harapin mo, buksan mo,
Ibangon ang iyong pagkatao
Babae ka.


Dahil sa akala ay mahina ka
Halaga mo ay di nakikita
Bisig mo man sa lakas ay kulang
Ngunit sa isip ka biniyayaan
Upang ang tinig mo'y
Maging ikaw ay lumaya.
Lumaban ka, babae,
May tungkulin ka
Sa pagpapaplaya ng bayan
Na siy nating simulain


Pagkatapos mabasa ang tula, sagutin ang mga sumusunod:

1. Ilarawan ang mga positibo at negatibong katangian ng isang babae (katangian is characteristics )
2. Ano ang damdaming nais ipahayag ng awtor?
3. Ano ang ibig sabihin ng Feminismo at Feminista? Hanapin ang sagot sa Internet.
4. Magbigay ng isang talata para sa inyong reaksyon hinggil sa tula.

Iprint ang sagot mismo bago matapos ang klase. Icharge lang sa akin. Hindi pwedi na susunod na mga araw ee-mail dapat gawing ang pag-email sa oras ng klase.


Susunod na paksang-aralin
Pag-aralan ang tungkol sa Proseso ng Pagbasa.