Wednesday, September 30, 2009

Mga Gawain

Lahat ng mga gawain dapat makompleto bago ang Oktumbre 5, 2009 pagkapatos ng Oktubre 5 hindi ko na tatanggapin. Lahat email o hard copy hindi pwede ang handwriting. Huling ayu na ito o huling pagkakataon na lamang na ibibibgay ko sa wala na kompleto ang mga kasanayan o activity. Ang utang na 15.00 (for Buwan ng Wika Contribution) ay dapat din bayaran sa araw ng klase.
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang reaksyon ninyo sa E-Learning na pag-aaral?


2. Sang-ayon ba kayo sa E-learning na pag-aaral? kung OO o hindi suport your ans.

3. Anu-ano ang mga naging prolema ninyo sa E-Learning na pagtuturo?

4. Anu-ano ang inyong ma imungkahi para sa lalong ikakatagumpay ng e-learning?
Itala ang mga SAGOT.

Huling Miting

Final Exam sa Oct. 8, 1-230 para sa tth 1-239 at tth 10:30-12:00 Oct. 8 10:30-12:00

Coverage ng exam mula yunit 1- hanggang sa Pagsasalita.
Kung may nais itanong email lang sa aking email ad o kaya text lang ako sa 09187070035 o kaya pwedi rin maki-chat sa gabi lamang mula 9pm-12pm

Huling Miting.

Miting

Huling Miting.

Miting

Monday, September 28, 2009

Huling Gawain

1. Panaliksik tungkol sa Feminismo at pagkatapos iugnay ang kaisipang feminismo sa tulang BABAE KA. Gawin ito sa pamamagitan ng patalata o isang talata.
2. Basahin ang sanaysay na ANG HALALAN sa pahina 57. Pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa ibaba (page 58).

3. Basahin ang huling aralin, P A G S A S A l i t a . Ipaliwanag ang kahalagahan ng PAGSASALITA.

4. Bakit ang pagsasalita ay sukatan ng katalinuhan?

5. Ipaliwanag ang mga Kasangkapan sa Mabisang Pagsasalita.

6.Ipaliwanag ang Mabuting Pagtatalumpati.

7. Ano ang talumpati?

8. Anu-ano ang uri ng Patalumpati?

Ang Final Exam points for review ay mula sa Yunit 1 hanggang sa Pagltatalumpati.
Kung mayroong hindi nauunawaan sa lahat ng mga aralin, e e-mail ang mga katanungan.

Huling Gawain

Wednesday, September 23, 2009

P A G B A S A

BASAHIN ANG TULANG BABAE KA


Babae ka, hinahangad,sinasamba,
Ipinagtatangol, ikaw nama'y walang laya.
Ang daigdig mo'y lagi nang nasa tahanan;
Ganda lang ang pakinabang,
Sa buhay walang alam.

Ang pinto ng pag-unlad,
Sayo'y laging nakasara;
Harapin mo, buksan mo,
Ibangon ang iyong pagkatao.

Babae ka, kalahati ka ng buhay;
Kung ikaw kaya'y wala.

Saan ang buhay ipupunla?
Napatunayan mo kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapalaran at ganap na kalayaan?

Ang pinto ng pag-unlad
Sayo ngayo'y nakabungad
Harapin mo, buksan mo,
Ibangon ang iyong pagkatao
Babae ka.


Dahil sa akala ay mahina ka
Halaga mo ay di nakikita
Bisig mo man sa lakas ay kulang
Ngunit sa isip ka biniyayaan
Upang ang tinig mo'y
Maging ikaw ay lumaya.
Lumaban ka, babae,
May tungkulin ka
Sa pagpapaplaya ng bayan
Na siy nating simulain


Pagkatapos mabasa ang tula, sagutin ang mga sumusunod:

1. Ilarawan ang mga positibo at negatibong katangian ng isang babae (katangian is characteristics )
2. Ano ang damdaming nais ipahayag ng awtor?
3. Ano ang ibig sabihin ng Feminismo at Feminista? Hanapin ang sagot sa Internet.
4. Magbigay ng isang talata para sa inyong reaksyon hinggil sa tula.

Iprint ang sagot mismo bago matapos ang klase. Icharge lang sa akin. Hindi pwedi na susunod na mga araw ee-mail dapat gawing ang pag-email sa oras ng klase.


Susunod na paksang-aralin
Pag-aralan ang tungkol sa Proseso ng Pagbasa.

P A G B A S A

P A G B A S A

P A G B A S A

Wednesday, September 16, 2009

REVIEWER FOR PRE-FINAL EXAM (SEPT. 17,09)

COVERAGE NG EXAM PARA SA PRE-FINAL ( ang pelikulang BALER at Yunit 5)

1. Ano ang pakikinig? - pagunawa ng mga tunog. halimbawa kung nagsasalita ang guro... inuunawa ng tagapakinig ang mga salitang napapakinggan. Tunog ng Abulansiya, bombero, busina ng barko, dyip at iba pa.

2. Ang mga kahalagahan ng pakikinig.-- ng papalawak ng kaalaman, nagkapagbibigay ng aliw, nakakuha ng mga impormasyon, at iba pa.

3. ANG PROSESO NG PAKIKINIG
1. PAGTANGGAP NG MENSAHE.... para maging maluwag sa kalooban dapat ang mensaheng napakinggan ay sinasang-ayunan or it is not agaist to your will. Kung tinatanggap o gusto ang mensahe ito ay magaan dalhin sa kalooban. 2. PAGPOKUS NG ATENSYON - dapat bigyan ng sapat na panahon ang mensahi pagkatapos na pakinggan para magawa itong mabuti o mapag-isipang mabuti kung paano gagawin ang mensahe. Halimbawa kung ang mensahe ay ....gumawa ng reaksyon sa Baler. kung bibigyan ng tagapakinig ng sapat na oras o panahon ang paggawa ng reaksyon.. mapapabuti at mapapaganda niya ang pagkagawa ng reaskyon dahil nakapag-isip at na i-review, at nai-edit ang kanyang mga sinulat. 3. PAGPAPAKAHULUGAN- INTERPRETATION -ibig sabihin kung paano nauunawaan o na-iintindihan mabuti ang mensahe. ito ang pinakamahalagang proseso ng pakikinig. dito rin masusukat ang taglay na kaalaman ng tagapakikinig kung madali niyang nauunawaan ang mensaheng napakinggan. HALIMBAWA- sabi ang nanay .... magsaing ng 3 salmun tapos nagsain ng pero 2 salmun ang sinaing. so hindi tama ang ginawang pagpapakahulugan. 4. PAG-ALALA. - madaling maalala ang anumang mensahe kung ito ay tiantanggap ng buong puso o sinasangg-ayunan. kapag ang isang mensahe ay gusto at sang-ayon ang nakikinig maisasapuso niya ito at kung kanyang maisasapuso madali niya itong matatandaan. 5. PAGTUGON- REPLY O RESPONSE - maging kaaya-aya ang isang pagtugon kung tama ang ginawang nakikinig. matatamo ang mabuting pakikinig kung mayroon kaalaman ang tagapakinig sa MABISANG PAKIKINIG.

ANO ANG MABISANG PAKIKINIG?
- ay maging handa sa pakikinig, kawilihan sa pakikinig, alamin ang pangunahing kaalaman, iwasan ang kaagad na pagpuna sa tagapagsalita, iwasan ang pagpuna agad sa mensahe, at huwag pansinin ang mga kaabalahan.

Paliwanag ng bawat isa ng mabisang pakikinig.

1. maging handa sa pakikinig- dapat maayos ang pagka-upo, walang iba pang ginagawa, hindi nakikipagkwentuhan sa katabi, may konsentrasyon .. walang ibang inisip, may papel at pansulat, para makapagtala ng mga mahahalagang tala .

2. Kawilihan sa pakikinig- ang kasiyahan sa pakikinig ay nakakatulong sa madaling pagkaunawa ng mensaheng napakinggan. kapag nag-eenjoy sa pakikinig ay madaling maunawaan ang mensahe. Para magkaroon ng kawilihan sa pakikinig dapat may konsentrasyon sa pakikinig.

3. Alamin ang panunahing kaisipan--- sa lahat ng mabisang pakikinig ang pangunahing kaisipan ay higit na mahalaga. ito ay ang pagkilala ng main ideas. o ang pinaka-importante sa mensahe, o ang pinag-uusapan, madaling mahalata ang pangunahing kaisipan sapagkat laging unuulit-ulit ng tagapagsalita at malakas ang pagbigkas ng mga salita. kung nauunawaan ang pangunahing kaisapan ay madali na lang mauunawaan ang buong mensahe.

4. Iwasan pagpuna sa tagapagsalita. huwag magreak sa nagsasalita habang nagsasalita, maari itong makasira sa kanyang pagsasalita, hayaan makatapos saka magbigay ng puna o kamalian. Tanda rin ito ng pagrespeto sa nagsasalita kung marunong maghintay bago magpuna.

5. Iwasan ang pagpuna sa mensahe. huwag laging bantayan ang mga mali sa mensahe ito ay nakakawala ng konsentrasyon ng nakikinig. kasi ang mga kamalian na lamang ang babantayan ng nakikinig sa mensahe.

6. Huwag pansin ang mga ingay sa paligid.

Kung may nais itanong o hindi na uunawaan email ang mga katanungan. ang exam next miting all essay ang exam.

REVIEWER FOR PRE-FINAL EXAM (SEPT. 17,09)

Monday, September 7, 2009

Mga Salik na Nakaiimpluwensiya Sa Pakikinig

pag-aralan ito at maghahanda sa isang pagsusulit next meting, kung may katanungan huwag mag-atubiling magtanong sa pamamagitan ng pag-eemail sa akin.

1. Oras- ang oras na mainam o mabisang makinig ay UMAGA. sapagkat nakapagpahinga na ang isip at katawan. Ang hapon at gabi ay hindi na masyadong mabisa kasi pagod na rin ang isip at katawan sa buong araw na pakiking.

2. Edad - ang bata ay maikli pa lamang ang interes sa pakikinig. di tulad ng matanda ay mas may mahaba ang konsentrasyon o binibigay na atensyon sa pakikinig.

3. Nakikinig- ang malumanay na tono ng pananalita sa mga bata ay mas nakakahikayat sa nakikinig para sa mga bata.

4. Kultura- sa isang tagapagsalita dapat din mayroon siyang kaalaman sa lugar kung saan ang pinaggalingan ng kanyang mga tagapagpakinig upang mas lalong mabigyan ng linaw ang kanyang mga sasabihin.

5. Konseptong sa sarili. - higit na mabisa ang isang pakik
inig kung ang tagapagsalita ay gumagamit ng sariling estilo sa kanyang pagpapahayag.

6. Tsnel - ang daluyan ng mensahe. halimbawa ang paggamit ng celpon, pagsulat, pakikinig sa radyo, pag-a wit, pagsaway, pagsasalita atibp. Kung paano naipahayag ang mensahe

7. Lugar - dapat malamig, maayos, malinis, maluwang at tahimik ang lugar na pinagdaraosan ng pakikinig. Ang ingay ay nakakasira ng maayos na pakikjinig.

8. Pinag-aralan - ang taong mayroong pinag-aralan ay higit na disiplinado sa pakikinig. ang Prior knowledge ay makakatulong para madali niyang mauunawaan ang pinapakinggan.

9. Kahalagahang Sosyal- ang taong may pinag-aral ay higit na marunog makisama, makihalubilo at responsable sa kanyang mga kilos.

Proseso ng Pakikinig (Yunit 5)

Ipaliwanag ang mga sumusunod: Basahin muna ang pahina 4
7- 48 sa worktext . isulat ang sariling pag-unawa. huwag kopyahin ang paliwanag sa aklat.

1. Pagtanggap ng mensahe

2. Pagpokus ng atensyon

3. Pagpapakahulugan

4. Pag-alala

5. Pagtugon
Email sagot ngayon mismong 10:30-12:00 (para sa tth 10:30- 12:00) para sa tth 1-230 ngayon o bago mag 2:30 ngayon araw Set. 8, 09

Wednesday, September 2, 2009

Yunit 5 (Sept. 3,2009)

Pagkatapos ng panunuod ng Pelikulang BALER,

Balik tayo sa ating worktext. Sa yunit 5,
Sagutin ng mabuti ang mga sumusunod:

1. Ano ang pagkakaintindi mo sa Kasanayan sa Pakikinig?

2. Ipaliwanag ang Kahalagahan ng Pakikinig

3. Magbigay ng 5 sitwasyon sa araw-araw na pamumuhay, kung saan kailangan ninyong makinig ng mabuti. Halimbawa, TV PATROL - para makinig ng mga balita upang sa gayon makakuha ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kalagayan ng bayan.

Wednesday, July 29, 2009

Karugtong ng Reviewer for Prelim exam (para sa TTh 1-2:30 pm your exam date will on Aug. 6 1:oo -2:30 magkita tayo sa clasrum

sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon 75% ay gumagamit tayo ng wika at 25% lamang.

Halimbawa ng di - berbal na komunikasyon ay nasa pahina 39 ng inyong workbuk

Simbolik... ang simbolik ay maituturing din koumnikasyon. ex. ang mga artist ay mahilig magpahaba ng buhok. nakatatak na sa mga artist ang pagiging mahabang buhok.

Mayroong 3 uri ang pakikipagkomunikasyon

1. Interpersonal - ang pag-uusap ng tagapagsalita o tao sa kapwa tao. tumutukoy sa dalawang pag-uusap lamang....samantala ang 2. intrapersonal ay tumutukoy naman sa pag-uusap ng higit pa sa dalawang tao. or pakikipag-usap sa grupo. ex. sa ang guro at ang kanyang klase o sa oras ng klase.
3. Kalagayang pangkapaligiran ay nauukol naman sa lugar kung ginaganap ang pakikipagkomunikasyon ex. rslly sa COn -As kung saan ginanap sa Plaza.
dapat ang lugar ang nababagay sa layunin ng komunikasyon sa gayon ang komunikasyon ay mabisa o matagumpay.


Ito ilan lamang sa mga pointers ninyo sa exam maaaring pag-aralan ang yunit 1 hnaggang yunit 4. kung may nais linawin o mga tanong. Iemail lamang sa aking email add. baago ang araw ng exam. sa next miting Aug. 4 1-230 pm magkita tayo sa lobby para sa ating Tindang Pinoy kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Magdala ng 15.00 para sa contribution para sa buan ng wika. Deadline ng 15.00 sa Aug. 4. Ang Exam ay Aug. 6 1-2:30 pm sa ating klasrum.

Reviewer for Prelim Exam (Aug. 6, 2009- 10:30 is our exam date)

Yunit - 1 ANG WIKA

Ano ang wika?
- ay kasangkapan sa pangpapahayag ng damdamin o kaisioan.

Bawat wika ay nagsisimula sa tunog, titk, kataga, salita, parirala, pangungusap, talata, at akda.
KAHALAGAHAN NG WIKA SA INDIBIDWAL AT SA LIPUNAN.
sa tao.... ang wika ay mahalaga sapagkat ginagamit niya ang wika sa pagpapahayag ng kanyang damdamin, kung siya ay masaya, malungkot, galit atbp.
sa Lipunan... ang tao ay likas na sosyal kaya dapat siyang makikipag-usap, makipagsalamuha sa ibang tao. sa pamamagitan ng wika na pagkakaisa niya ang mga tao. sabahin ang pahina 1 sa inyong workbuk.
ANG WIKA AY BARAYTI... Ibig sabihin ng barayti ng wika ay ang wika ay iba't ibang klase ng paggamit...halimbawa ayon sa tono, aksent, bokabularyo, lugar, at antas ng mga salita.

IDYOLEK.. mga salita o salita na tanging maririnig lamang sa partikular na tao. kaya matatawag na pagkakakilanlan ng isang tao tulad ng fingerprints o mukha.

DAYALEK.... ang wikjang unang sinalita o wikang nakagisnan. tulad ng Hiligaynon

SOSYOLEK .... ang wikang ginagamit ng pangkat ng mga tao tulad ng mayayaman, mahihirap, mga bakla, mga street children atbp.
Halimbawa. Saan ang rest room? ito ang sosyolek ng mga mayayaman kasi sanay sila sa mga malalaking gusali kaya ang CR sa kanila ay rest room.

KATANGIAN NG WIKa

Buhay at Dinamiko- ibig sabihin ang wika ay patuloy na pinapaunlad at ginagamit sa pagsasalita. magiging patay ang isang wika kapag hindi na ginagamit sa pagsasalita.
May kaantasan ang wika
may apat na antas ang wika
1. balbal- ay mga salitang pa-uso-uso hindi tumatagal ex. parak, yosi, arpat, ermat, utol atbp.
2. Kolokyal - ay mga salitang pang-araw-araw na mga salita tulad ng wala, na nagiging la o wa.. saan nagiging san. mga salitang pinapaikli dahil kahit paikliin nauunawain pa rin sapagkat araw-araw naman ito nagagamit.
3. lalawiganin - ito ay tinatawag din dayalek.. wikang ginagamit sa partikular na lugar.
4. pambansa - ito ay ang wikang filipino. ang wikang ginagamit sa buong kapuluan ng Pilipinas.
5. pampanitikan - mga salitang malalalim ang ibig sabihin ex. kapusod - kapatid, kabiyak ng puso- asawa. mga salitang ginagamit ng mga manunulat.
6. Malikhain at natatanggi ang wika- lahat ng wika ay mayroong sariling katangian kaya walang imperyor o superyor.
7. Magkaugnay ang wika at kultura- sapagkat ang wika ang siyang tumutugon sa pangangailangan ng kultura kaya kung ang kultura ay umuunlad ang wika ay umuunlad din.
8. Gamit sa lahat ng disiplina/propesyon - ginagamit sa pangtuturo ex. ang asignaturang Fil. ay gumagamit ng wika, ang Science ay gumasgsmit din ng wika..


Yunit 2- FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
ang Pilipinas ay may maraming wikain mahigit sa 400 na mga wikain kaya dapat mayroon isang wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino. na nagmula sa Tagalog at pinayaman naging Pilipino ay ngayon ay FILIPINO na.

Depinisyon ng Wikang Filipino.

bilang lingua franca... ginagamit kapag ang dalawang nag-uusap ay magkaiba ang dayalek.
bilang wikang pambansa ... ginagamit ng lahat ng mga Pilipino at nauunawaan at sinasalita sa buong Pilipinas.
Bilang opisyal na komunikasyon... ginagamit sa pulitika, gobyerno, o pamahalaan
Bilang opisyal na wikang panturo at pagtuto.. ginagamit na wika sa paaralan.

ANG YUNIT 3 AY NAIPOST KO NA. BALIKAN NA LANG NINYO ULI.

yUNIT 4 KOMUNIKASYON

ano ang komunikasyon? pag-uusap ng dalawa o higit pa sa dalawang tao. may nagsasalita at may nakikinig. Pagkatapos ang nakikinig ayn siya naman ang magsasalita tinatawag itong feedback.

Elemento ng koumunikasyon. 1. wika ay siayng giangamit sa pakikipagkomunikasyon. 2. tagapahayag- ang nagbibigay ng mga impormasyon o mensahe.
3. Enkoding ay kung paano ipahayag ang mensahing nais sabihin. ang prosesong kung saan ang nagsasalita ay nag-iisip kung paano ipahayag ang mensahe. 4. Mensahe ang impormasyon na sinabi ng nagsasalita o nagpapahayag 5. Tsanel - ito ay ang paraan kung paano pinayahag ang mensahe. ex. pagsasalita, pagsulat, texting, chatting o on line, song.

Ingay ay dapat matahimik ang lugar na pinagdadaosan ng komunikasyon

feedback- ang reaksyon ng nakikinig.


Dalawang uri ng komunikasyon

Berbal - gumagamit ng wika di-berbal - hindi gumagamit ng wika /..

Reviewer for Prelim Exam. (Aug. 6, 2009)

Monday, July 27, 2009

Ika-4 na Gawaing sa Yunit 4.

Yunit 4 - DIKURSO AT KOMUNIKASYON

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang naiintindihan mo tungkol sa Komunikasyon?

2. Ipaliwanag mga elemento ng Komunikasyon . Gumawa ng ilustrasyon kung
paano ito ipakita?
3. Anu-ano ang dalawang uri ng komunikasyon? paano sila nagkakaiba? magbigay ng mga halimbawa sa di berbal.

Note: Lahat ng mga gawain ay dapat ng na email sa aking email ad. bago july 31. Coverage ng prelim exam from unit 1-unit 4. Sa unit 4 magpokus sa pag-review ukol sa komunikasyon, elemento ng komunikasyon.

Wednesday, July 22, 2009

Paglalahad ng Unit 3

Mga dapat tandaan sa buong yunit 3 (Buod ng yunit 3):


Ano ang Ponolohiya?

- ay pag-aaral ng mga tunog. Ano wika sa mundo, kapag nais pag-araln dy kailangan unang pag-aralan an g tungkol sa mga tunog. Tulad ng winag Filipno. Sa wikang Filipino, ang bawat tunog ay may katumbas na kahulugan... halimwa ang salitang bana na ibig sabihin ay small lake sa english. kapag dinagdagan ng letrang t ay magiging banta na ibig sabihin ay threat. Ito ang ibig sabihin ng ang bawat tunog o titik ay may katumbas na kahulugan.


Ano ang ponema? - ay pinakamaliit na tunog o tinatawag din isang titik. May 2 uri ang ponema, ito ay ang segmantal at suprasegmantal. Ano ang segmental? ito ay ang patinig (vowels) na mga titik at katinig (constonants). Ano naman ang suprasegmantal? ito'y paghinto, pagtaas-pababa ng tunog, diin at pagpapahaba ng tunog.

hamibawa ng diin ... bukas(ang diin ay nasa pantig na kas) nangangahulugan ng open sa eng. BukAS (ANG DIIN AY NASA PANTIG NA BU) nangangahulugan ng next day o tomorrow.


halimbawa ng pagpapahaba ng tunog... ga:ling - source galing - excellence. ha:mon - challenge, hamon - ham


pataas at pababang tunog. Sino ang pumatay, ikaw pataas na tunog ang salitang patay ay nangangahulugan ng di-tiyak o hindi segurado. pababang tunog - nangangahulugan na katiyakan na siya nga ang pumatay.


May mga ponemang patinig na maaring magpalitan na hindi nagbabago ang kahulugan... halimbawa.. babae- babai. pero mayroon din na nagpapalitan na nagbabago ang kahulugan... halimbawa, mesa - table misa - mass. ang ibang mga halimbawa ay makikita sa inyong workbuk.

Ano ang digrap? ito'y ang kambal katinig na iisang tunog. Bagamat na dalawang titik pero may isang tunog lamang. Maaaring makita sa unahan, git, o hulihan. ang mga halimbawa ay nasa inyong workbuk pahinag 16.


Ano ang kambal katinig o klaster? - mga salitang mayroon magkasunod na katinig matatagpuan sa loob ng isang pantig. makikita ang mga halimbawa sa pahina16. marami tayong mga kambal katinig ay dahil sa paghihiram sa wikang english at wikang Kastila.


Ano ang Diptonggo? - isang patinig at malapatinig na /y/ at /w/ iw/ ew/ ey/ iy/ oy/ at /oy/ na nasa isang pantig. kapag wala sa loob ng pantig ay hindi matatawag na diptonggo. halimbawa.. a-li-wan hindi ito diptonngo. a- liw ito ay diptonggo kasi ang iw ay magkasama sa isang pantig. iang iban halimbawa ay makikita sa pahina 17.


Ponemang katinig na p at b. kapag ang sal;itang ugat ay nag-uumpisa sa titik na p o b ang sing, sang, pang, ay nagiging sim, sin, at pam. makikita ang mga halimbawa sa workbuk pahina 17.


Ponemang katinig na l, l, r, s,at t... kapag ang mga SALITANG UGAT ay nag-uumpisa sa d,l,r,s, o t, ang sang, sing, pang ay nagiging san, sin, at pan. nawawala ang g. makikita ang mga halimbawa sa pahina 17.


Ano ang Morponolohiya?

kung ang ponolohiya ay apg-aaral ng mga tunog, ito naman ay pag-aaral ng mga salita.


Ano ang morpema?... ay pinakamaliit na yunit ng salita. ibig sabihin.... salitang -ugat.


3 uri ng morpema


1. Morpemang binubuo ng isang ponemang. ito ang ponemang a na ibig sabihin ay babae. makikita ang mga halimbawa sa pahina. 19.


2. Morpemang binubuo ng panlapi. tulad ng um. makikita ang mga halimbawa sa pahina 19.


3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat. halimbawa... basa, uwi, kain, sayaw.


Ano ang Sintaks? - ay pag-aaral ng mga salita para makabuo ng isang pangungusap o sentens.

may mahalagang sangkap ang isang sintaks o sentens. ito ay ang gramatika. sempre kailangan ang mga tuntunin sa gramatika sa pagbubuo ng isang sentens halimbawa.. Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa. Pilipinas ay ang simuno o paksa.

Ang wikang Filipino ay naghihiram sa dalawang wika. ito ay ang wikang katutubo at wikang banyaga. Anu- ano ang mga wikang katutubo? - ang mga dayalekto o wikain na natatagpuan sa Pilipinas. tulad ng Hiligaynon, waray, Ilokano, Muslim at maraming iba. Anu-ano naman ang mga wikang banyaga? ... tulad ng mga English, Espanyol. Italyano, latin at ibp. makikita ang mga halimbawa sa pahina 20-22.

Kapag ang wikang Filipino ay maghihiram sa wikang katutubo ang baybay o ispeling ay hindi binabago halimbawa, hadji, laswa, daku, pinakbet atibp.

kapag sa wikang banyaga naman... kapag walang katumbas sa Filipino ay maaaring, sundin ang tuntunin na kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siayang basa.


Halimbawa makikita sa pahina 21. jeep - dyip.


Ang mga simbolong pang-agham ay hinihiram na walang pagnanago. upang maiwasan ang anumang magiging masamang maidududlot. ngunit kung salita tulad ng iron ay maaring isalin sa bakal.


Ang mga pangangalang pantangi ay maaring hindi na baguhin kung gumagamit ng mga letrang v, z, x, f, n, q. f, atbp. halimbawa Luson ay dapat Luzon. Canada hindi pweding Kanada kasi ang Canada ay proper noun. so mananatili ang C. Hindi dapat isalin sa K.

Ang alpabeatong Filipino ay binubuo na ng 30 titik. at tinatawag itong Pinayamang Alpabetong Filipino.


Pag aralan ito at maghanda para sa maikling pagsusulit sa susunod na metting.



Monday, July 20, 2009

ANG PALAKANG WALANG UTANG NA LOOB

Noon, ang palaka at ang ahas ay magkasama dahil ang palaka ay inampon ng ahas noong ito ay maliit pa. Ang ahas ay mabait sa palaka. Katunayan, pinangunguhan pa ng ahas ang palaka ng pagkain. Habang lumalaki ang palaka, siya ay tinuruan ng ahas kung paano manguha ng ikabubuhay.


Ngunit dumating ang panahon na tumanda at humina na ang ahas. Dahil dito, hindi na siya makakuha ng kanyang sariling pagkain.
Sa umpisa, ipinangunguhan siya ng pagkain ni palaka, ngunit sa katagalan, mga tira-tira na lang ang ibinibigay ng palaka sa ahas.


Minsan, nang wala ang palaka at nakaramdam ng matinding gutom ang ahas at hindi rin siya makahanap ng pagkain dahil hindi siya makakita at makarinig dala ng katandaan. Umisip siya ng paraan upang magkaroon ng pagkain. Ang naisip ng ahas ay ikalat ang kanyang malagkit na dagta sa daan upang kung sino man ang daraan ay madikit doon at hindi na makakaalis at siyang magiging pagkain niya.

Di-nagtagal, mayroon ngang nabitag. Naramdaman ng ahas na may gustong kumawala. Nilapitan niya ito para kainin. Ang hindi niya alam, dahil sa kalabuan ng kanyang mga mata at kahinaan ng kanyang mga tenga, ang pagmamakaawa ng palaka ay hindi na niya namalayan. Mismong ang palakang ampon niya pala ang kanyang hinapunan.

Tribya

AHAS

Ang India ay tinatawag na “Land of Snakes”
Lahat ng ahas ay kumakain ng karne
Nakakaamoy ang ahas gamit ang kanilang dila
Ang bahagi ng katawan ng ahas na nakalapat sa lupa ay sensitibo sa bibrasyon.


Tribya

PALAKA

Ang camouflage ay ang pinakakaraniwang ginagamit na paraan ng mga palaka sa pagtatangol sa sarili
Pinakamagaling tumalon sa lahat ng mga vertebrates ang palaka
Mahina ang mga ngipin ng palaka kung kaya’t ang gamit nito’y malagkit na dila sa paghuli ng pagkain

WAKAS!

Panuto: Gumawa ng mga tanong na ang sagot ay ang mga sumusunod:

Halimbawa: ang sagot ay Gng. Fregil, tanong….. Sino ang guro mo sa Filipino 1? Sagbot Gng. Fregil. Sa bawat sagot gumawa ng tatlong tanong, sa iisang sagot. Ibatay ang gagawin mga tanong sa nabasang kwento, ang palakang walang utang na loob.
Mga sagot:

1. Matinding pagkagutom
2. Pag-aampon
3. Utang na loob
4. Ahas
5. Palaka
6. Karne
7. Sana hndi nakain ni ahas si palaka

e E-mail ang inyong mga sagot sa