Wednesday, September 23, 2009

P A G B A S A

BASAHIN ANG TULANG BABAE KA


Babae ka, hinahangad,sinasamba,
Ipinagtatangol, ikaw nama'y walang laya.
Ang daigdig mo'y lagi nang nasa tahanan;
Ganda lang ang pakinabang,
Sa buhay walang alam.

Ang pinto ng pag-unlad,
Sayo'y laging nakasara;
Harapin mo, buksan mo,
Ibangon ang iyong pagkatao.

Babae ka, kalahati ka ng buhay;
Kung ikaw kaya'y wala.

Saan ang buhay ipupunla?
Napatunayan mo kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapalaran at ganap na kalayaan?

Ang pinto ng pag-unlad
Sayo ngayo'y nakabungad
Harapin mo, buksan mo,
Ibangon ang iyong pagkatao
Babae ka.


Dahil sa akala ay mahina ka
Halaga mo ay di nakikita
Bisig mo man sa lakas ay kulang
Ngunit sa isip ka biniyayaan
Upang ang tinig mo'y
Maging ikaw ay lumaya.
Lumaban ka, babae,
May tungkulin ka
Sa pagpapaplaya ng bayan
Na siy nating simulain


Pagkatapos mabasa ang tula, sagutin ang mga sumusunod:

1. Ilarawan ang mga positibo at negatibong katangian ng isang babae (katangian is characteristics )
2. Ano ang damdaming nais ipahayag ng awtor?
3. Ano ang ibig sabihin ng Feminismo at Feminista? Hanapin ang sagot sa Internet.
4. Magbigay ng isang talata para sa inyong reaksyon hinggil sa tula.

Iprint ang sagot mismo bago matapos ang klase. Icharge lang sa akin. Hindi pwedi na susunod na mga araw ee-mail dapat gawing ang pag-email sa oras ng klase.


Susunod na paksang-aralin
Pag-aralan ang tungkol sa Proseso ng Pagbasa.

1 comment:

  1. 1st Iron Block - ITANIAN ART - TITANIA Art
    1st Iron titanium fat bike Block citizen titanium dive watch (Iron Block) is a high-end 3D 3D block made from 3D metal. This high-end 3D Block from titanium dioxide skincare Titanium Art titanium bike frame was created by titanium exhaust tips

    ReplyDelete