Monday, July 20, 2009

ANG PALAKANG WALANG UTANG NA LOOB

Noon, ang palaka at ang ahas ay magkasama dahil ang palaka ay inampon ng ahas noong ito ay maliit pa. Ang ahas ay mabait sa palaka. Katunayan, pinangunguhan pa ng ahas ang palaka ng pagkain. Habang lumalaki ang palaka, siya ay tinuruan ng ahas kung paano manguha ng ikabubuhay.


Ngunit dumating ang panahon na tumanda at humina na ang ahas. Dahil dito, hindi na siya makakuha ng kanyang sariling pagkain.
Sa umpisa, ipinangunguhan siya ng pagkain ni palaka, ngunit sa katagalan, mga tira-tira na lang ang ibinibigay ng palaka sa ahas.


Minsan, nang wala ang palaka at nakaramdam ng matinding gutom ang ahas at hindi rin siya makahanap ng pagkain dahil hindi siya makakita at makarinig dala ng katandaan. Umisip siya ng paraan upang magkaroon ng pagkain. Ang naisip ng ahas ay ikalat ang kanyang malagkit na dagta sa daan upang kung sino man ang daraan ay madikit doon at hindi na makakaalis at siyang magiging pagkain niya.

Di-nagtagal, mayroon ngang nabitag. Naramdaman ng ahas na may gustong kumawala. Nilapitan niya ito para kainin. Ang hindi niya alam, dahil sa kalabuan ng kanyang mga mata at kahinaan ng kanyang mga tenga, ang pagmamakaawa ng palaka ay hindi na niya namalayan. Mismong ang palakang ampon niya pala ang kanyang hinapunan.

Tribya

AHAS

Ang India ay tinatawag na “Land of Snakes”
Lahat ng ahas ay kumakain ng karne
Nakakaamoy ang ahas gamit ang kanilang dila
Ang bahagi ng katawan ng ahas na nakalapat sa lupa ay sensitibo sa bibrasyon.


Tribya

PALAKA

Ang camouflage ay ang pinakakaraniwang ginagamit na paraan ng mga palaka sa pagtatangol sa sarili
Pinakamagaling tumalon sa lahat ng mga vertebrates ang palaka
Mahina ang mga ngipin ng palaka kung kaya’t ang gamit nito’y malagkit na dila sa paghuli ng pagkain

WAKAS!

Panuto: Gumawa ng mga tanong na ang sagot ay ang mga sumusunod:

Halimbawa: ang sagot ay Gng. Fregil, tanong….. Sino ang guro mo sa Filipino 1? Sagbot Gng. Fregil. Sa bawat sagot gumawa ng tatlong tanong, sa iisang sagot. Ibatay ang gagawin mga tanong sa nabasang kwento, ang palakang walang utang na loob.
Mga sagot:

1. Matinding pagkagutom
2. Pag-aampon
3. Utang na loob
4. Ahas
5. Palaka
6. Karne
7. Sana hndi nakain ni ahas si palaka

e E-mail ang inyong mga sagot sa

1 comment: