Wednesday, July 29, 2009

Reviewer for Prelim Exam (Aug. 6, 2009- 10:30 is our exam date)

Yunit - 1 ANG WIKA

Ano ang wika?
- ay kasangkapan sa pangpapahayag ng damdamin o kaisioan.

Bawat wika ay nagsisimula sa tunog, titk, kataga, salita, parirala, pangungusap, talata, at akda.
KAHALAGAHAN NG WIKA SA INDIBIDWAL AT SA LIPUNAN.
sa tao.... ang wika ay mahalaga sapagkat ginagamit niya ang wika sa pagpapahayag ng kanyang damdamin, kung siya ay masaya, malungkot, galit atbp.
sa Lipunan... ang tao ay likas na sosyal kaya dapat siyang makikipag-usap, makipagsalamuha sa ibang tao. sa pamamagitan ng wika na pagkakaisa niya ang mga tao. sabahin ang pahina 1 sa inyong workbuk.
ANG WIKA AY BARAYTI... Ibig sabihin ng barayti ng wika ay ang wika ay iba't ibang klase ng paggamit...halimbawa ayon sa tono, aksent, bokabularyo, lugar, at antas ng mga salita.

IDYOLEK.. mga salita o salita na tanging maririnig lamang sa partikular na tao. kaya matatawag na pagkakakilanlan ng isang tao tulad ng fingerprints o mukha.

DAYALEK.... ang wikjang unang sinalita o wikang nakagisnan. tulad ng Hiligaynon

SOSYOLEK .... ang wikang ginagamit ng pangkat ng mga tao tulad ng mayayaman, mahihirap, mga bakla, mga street children atbp.
Halimbawa. Saan ang rest room? ito ang sosyolek ng mga mayayaman kasi sanay sila sa mga malalaking gusali kaya ang CR sa kanila ay rest room.

KATANGIAN NG WIKa

Buhay at Dinamiko- ibig sabihin ang wika ay patuloy na pinapaunlad at ginagamit sa pagsasalita. magiging patay ang isang wika kapag hindi na ginagamit sa pagsasalita.
May kaantasan ang wika
may apat na antas ang wika
1. balbal- ay mga salitang pa-uso-uso hindi tumatagal ex. parak, yosi, arpat, ermat, utol atbp.
2. Kolokyal - ay mga salitang pang-araw-araw na mga salita tulad ng wala, na nagiging la o wa.. saan nagiging san. mga salitang pinapaikli dahil kahit paikliin nauunawain pa rin sapagkat araw-araw naman ito nagagamit.
3. lalawiganin - ito ay tinatawag din dayalek.. wikang ginagamit sa partikular na lugar.
4. pambansa - ito ay ang wikang filipino. ang wikang ginagamit sa buong kapuluan ng Pilipinas.
5. pampanitikan - mga salitang malalalim ang ibig sabihin ex. kapusod - kapatid, kabiyak ng puso- asawa. mga salitang ginagamit ng mga manunulat.
6. Malikhain at natatanggi ang wika- lahat ng wika ay mayroong sariling katangian kaya walang imperyor o superyor.
7. Magkaugnay ang wika at kultura- sapagkat ang wika ang siyang tumutugon sa pangangailangan ng kultura kaya kung ang kultura ay umuunlad ang wika ay umuunlad din.
8. Gamit sa lahat ng disiplina/propesyon - ginagamit sa pangtuturo ex. ang asignaturang Fil. ay gumagamit ng wika, ang Science ay gumasgsmit din ng wika..


Yunit 2- FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
ang Pilipinas ay may maraming wikain mahigit sa 400 na mga wikain kaya dapat mayroon isang wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino. na nagmula sa Tagalog at pinayaman naging Pilipino ay ngayon ay FILIPINO na.

Depinisyon ng Wikang Filipino.

bilang lingua franca... ginagamit kapag ang dalawang nag-uusap ay magkaiba ang dayalek.
bilang wikang pambansa ... ginagamit ng lahat ng mga Pilipino at nauunawaan at sinasalita sa buong Pilipinas.
Bilang opisyal na komunikasyon... ginagamit sa pulitika, gobyerno, o pamahalaan
Bilang opisyal na wikang panturo at pagtuto.. ginagamit na wika sa paaralan.

ANG YUNIT 3 AY NAIPOST KO NA. BALIKAN NA LANG NINYO ULI.

yUNIT 4 KOMUNIKASYON

ano ang komunikasyon? pag-uusap ng dalawa o higit pa sa dalawang tao. may nagsasalita at may nakikinig. Pagkatapos ang nakikinig ayn siya naman ang magsasalita tinatawag itong feedback.

Elemento ng koumunikasyon. 1. wika ay siayng giangamit sa pakikipagkomunikasyon. 2. tagapahayag- ang nagbibigay ng mga impormasyon o mensahe.
3. Enkoding ay kung paano ipahayag ang mensahing nais sabihin. ang prosesong kung saan ang nagsasalita ay nag-iisip kung paano ipahayag ang mensahe. 4. Mensahe ang impormasyon na sinabi ng nagsasalita o nagpapahayag 5. Tsanel - ito ay ang paraan kung paano pinayahag ang mensahe. ex. pagsasalita, pagsulat, texting, chatting o on line, song.

Ingay ay dapat matahimik ang lugar na pinagdadaosan ng komunikasyon

feedback- ang reaksyon ng nakikinig.


Dalawang uri ng komunikasyon

Berbal - gumagamit ng wika di-berbal - hindi gumagamit ng wika /..

No comments:

Post a Comment