Monday, September 7, 2009

Mga Salik na Nakaiimpluwensiya Sa Pakikinig

pag-aralan ito at maghahanda sa isang pagsusulit next meting, kung may katanungan huwag mag-atubiling magtanong sa pamamagitan ng pag-eemail sa akin.

1. Oras- ang oras na mainam o mabisang makinig ay UMAGA. sapagkat nakapagpahinga na ang isip at katawan. Ang hapon at gabi ay hindi na masyadong mabisa kasi pagod na rin ang isip at katawan sa buong araw na pakiking.

2. Edad - ang bata ay maikli pa lamang ang interes sa pakikinig. di tulad ng matanda ay mas may mahaba ang konsentrasyon o binibigay na atensyon sa pakikinig.

3. Nakikinig- ang malumanay na tono ng pananalita sa mga bata ay mas nakakahikayat sa nakikinig para sa mga bata.

4. Kultura- sa isang tagapagsalita dapat din mayroon siyang kaalaman sa lugar kung saan ang pinaggalingan ng kanyang mga tagapagpakinig upang mas lalong mabigyan ng linaw ang kanyang mga sasabihin.

5. Konseptong sa sarili. - higit na mabisa ang isang pakik
inig kung ang tagapagsalita ay gumagamit ng sariling estilo sa kanyang pagpapahayag.

6. Tsnel - ang daluyan ng mensahe. halimbawa ang paggamit ng celpon, pagsulat, pakikinig sa radyo, pag-a wit, pagsaway, pagsasalita atibp. Kung paano naipahayag ang mensahe

7. Lugar - dapat malamig, maayos, malinis, maluwang at tahimik ang lugar na pinagdaraosan ng pakikinig. Ang ingay ay nakakasira ng maayos na pakikjinig.

8. Pinag-aralan - ang taong mayroong pinag-aralan ay higit na disiplinado sa pakikinig. ang Prior knowledge ay makakatulong para madali niyang mauunawaan ang pinapakinggan.

9. Kahalagahang Sosyal- ang taong may pinag-aral ay higit na marunog makisama, makihalubilo at responsable sa kanyang mga kilos.

No comments:

Post a Comment