Wednesday, September 16, 2009

REVIEWER FOR PRE-FINAL EXAM (SEPT. 17,09)

COVERAGE NG EXAM PARA SA PRE-FINAL ( ang pelikulang BALER at Yunit 5)

1. Ano ang pakikinig? - pagunawa ng mga tunog. halimbawa kung nagsasalita ang guro... inuunawa ng tagapakinig ang mga salitang napapakinggan. Tunog ng Abulansiya, bombero, busina ng barko, dyip at iba pa.

2. Ang mga kahalagahan ng pakikinig.-- ng papalawak ng kaalaman, nagkapagbibigay ng aliw, nakakuha ng mga impormasyon, at iba pa.

3. ANG PROSESO NG PAKIKINIG
1. PAGTANGGAP NG MENSAHE.... para maging maluwag sa kalooban dapat ang mensaheng napakinggan ay sinasang-ayunan or it is not agaist to your will. Kung tinatanggap o gusto ang mensahe ito ay magaan dalhin sa kalooban. 2. PAGPOKUS NG ATENSYON - dapat bigyan ng sapat na panahon ang mensahi pagkatapos na pakinggan para magawa itong mabuti o mapag-isipang mabuti kung paano gagawin ang mensahe. Halimbawa kung ang mensahe ay ....gumawa ng reaksyon sa Baler. kung bibigyan ng tagapakinig ng sapat na oras o panahon ang paggawa ng reaksyon.. mapapabuti at mapapaganda niya ang pagkagawa ng reaskyon dahil nakapag-isip at na i-review, at nai-edit ang kanyang mga sinulat. 3. PAGPAPAKAHULUGAN- INTERPRETATION -ibig sabihin kung paano nauunawaan o na-iintindihan mabuti ang mensahe. ito ang pinakamahalagang proseso ng pakikinig. dito rin masusukat ang taglay na kaalaman ng tagapakikinig kung madali niyang nauunawaan ang mensaheng napakinggan. HALIMBAWA- sabi ang nanay .... magsaing ng 3 salmun tapos nagsain ng pero 2 salmun ang sinaing. so hindi tama ang ginawang pagpapakahulugan. 4. PAG-ALALA. - madaling maalala ang anumang mensahe kung ito ay tiantanggap ng buong puso o sinasangg-ayunan. kapag ang isang mensahe ay gusto at sang-ayon ang nakikinig maisasapuso niya ito at kung kanyang maisasapuso madali niya itong matatandaan. 5. PAGTUGON- REPLY O RESPONSE - maging kaaya-aya ang isang pagtugon kung tama ang ginawang nakikinig. matatamo ang mabuting pakikinig kung mayroon kaalaman ang tagapakinig sa MABISANG PAKIKINIG.

ANO ANG MABISANG PAKIKINIG?
- ay maging handa sa pakikinig, kawilihan sa pakikinig, alamin ang pangunahing kaalaman, iwasan ang kaagad na pagpuna sa tagapagsalita, iwasan ang pagpuna agad sa mensahe, at huwag pansinin ang mga kaabalahan.

Paliwanag ng bawat isa ng mabisang pakikinig.

1. maging handa sa pakikinig- dapat maayos ang pagka-upo, walang iba pang ginagawa, hindi nakikipagkwentuhan sa katabi, may konsentrasyon .. walang ibang inisip, may papel at pansulat, para makapagtala ng mga mahahalagang tala .

2. Kawilihan sa pakikinig- ang kasiyahan sa pakikinig ay nakakatulong sa madaling pagkaunawa ng mensaheng napakinggan. kapag nag-eenjoy sa pakikinig ay madaling maunawaan ang mensahe. Para magkaroon ng kawilihan sa pakikinig dapat may konsentrasyon sa pakikinig.

3. Alamin ang panunahing kaisipan--- sa lahat ng mabisang pakikinig ang pangunahing kaisipan ay higit na mahalaga. ito ay ang pagkilala ng main ideas. o ang pinaka-importante sa mensahe, o ang pinag-uusapan, madaling mahalata ang pangunahing kaisipan sapagkat laging unuulit-ulit ng tagapagsalita at malakas ang pagbigkas ng mga salita. kung nauunawaan ang pangunahing kaisapan ay madali na lang mauunawaan ang buong mensahe.

4. Iwasan pagpuna sa tagapagsalita. huwag magreak sa nagsasalita habang nagsasalita, maari itong makasira sa kanyang pagsasalita, hayaan makatapos saka magbigay ng puna o kamalian. Tanda rin ito ng pagrespeto sa nagsasalita kung marunong maghintay bago magpuna.

5. Iwasan ang pagpuna sa mensahe. huwag laging bantayan ang mga mali sa mensahe ito ay nakakawala ng konsentrasyon ng nakikinig. kasi ang mga kamalian na lamang ang babantayan ng nakikinig sa mensahe.

6. Huwag pansin ang mga ingay sa paligid.

Kung may nais itanong o hindi na uunawaan email ang mga katanungan. ang exam next miting all essay ang exam.

No comments:

Post a Comment